Simbahan ng Gitnang Panahon



Ang Simbahan ng Gitnang Panahon




Ang Simbahang Katoliko Romano o Simbahang Katoliko (o Simbahang Katolika) ay isang Kristiyanong simbahan na nasa buong kapisanan kasabay ngObispo ng Roma, na kasalukuyan ay ang Santo Papa, si Benedicto XVI. Gaya ng ibang mga denominasyon ng Kristiyanismo, binabakas ng Simbahang Katoliko Romano ang pinagmulan nito sa orihinal na pamayanang Kristiyano na itinatag ni Hesus at ipinalaganap ng mga Labindalawang Apostol, partikular na si San Pedro.
Ang Simbahang Katoliko Romano ay ang pinakamalaking simbahang Kristiyano, na nagkakatawan sa kalahati ng lahat ng mga Kristiyano, at ang pinakamalaking organisadong unit ng anumang pananampalataya sa mundo. Ayon sa Statistical Yearbook of the Church, ang bilang ng nakatalang pandaigdigang kasapi ng Simbahang Katoliko sa katapusan ng 2005 ay 1,114,966,000, na malapit sa ika-anim na bahagi ng populasyon ng mundo.
Ang pandaigdigang Simbahang Katoliko ay binubuo ng isang Latin o Kanluranin at 22 Silanganing Katolikong nagsasariling simbahang partikular, kung saan lahat ay tumitingala sa Papa, na mag-isa o kasama ng Kolehiyo ng mga Obispo, bilang kanilang pinakamataas na autoridad sa daigdig sa mga paksa ng paniniwala, mga asal at ng pansimbahang pamamahala. Nakahati ito sa mga nasasakupang pook, karaniwan sa batayang teritoryal. Ang pamantayang teritoryal na yunit ay itinatawag na diyosesis sa simbahang Latin at eparkiya sa mga Silanganing simbahan. Ang bawat diyosesis o eparkiya ay nasa pamumuno ng isang obispo,patriyarka o eparko. Sa katapusan ng 2006, ang buong bilang ng lahat ng itong mga nasasakupang pook ay 2,782.
Gaya ng ibang mga sekta ng Kristiyanismo gaya ng mga Simbahang Ortodokso, ang Simbahang Romano Kaotliko ay nag-aangkin na ang tradisyon nito ay itinatag ni Hesus. Sa teolohiya ng Simbahang Romano Katoliko, ang doktrinang paghaliling apostoliko ay nag-aangkin na ibinigay ni Hesus ang buong sakramental na kapangyarihan sa simbahan sa 12 apostol sa sakramento ng mga Banal na Kautusan at gumagawa sa mga itong unang obispo. Sa pagkakaloob ng kabuuan ng sakramento ng mga Banal na Kautusuan, ang mga ito ay binigyan ng kapangyarihan na magkaloob ng sakramento sa iba pa at nagpapasagrado sa maraming mga obispo sa isang direktang linya na nagmumula sa mga Apostol at kay Hesus. Ang doktrina ng Apostolikong paghaliliay hindi lang natatangi sa Romano Katoliko at ang iba't ibang mga sekta ng Kristiyanismo ay nag-aangkin rin ng teolohiyang ito gaya ng mga Simbahang Ortodokso, mga Lutherano at iba pa. SiPedro na apostol ni Hesus, ay inaangkin ng Romano Katoliko na unang obispo at gumawa sa Papang si Linus bilang kahaliling obispo at kaya ay nagpasimula ng linya na kinabibilangan ng mga kasalukuyang papa ng Romano Katoliko. Ang mga kondisyon sa imperyo Romano ay nagpadali sa pagkalat ng mga bagong ideya. Ang mga mahuhusay na lansangan at mga daanang pantubig ay pumayag sa madaling paglalakbay samantalang ang Pax Romana ay gumawa sa paglalakbay mula sa isang rehiyon tungo sa isa pa na ligtas. Ang mga sinaunang Kristiyano ay nakaakay ng mga pamayanang Hudyo sa buong Dagat Meditteraneo. Bagaman ang karamihan ng mga naakay sa Kristiyanismo ay mula sa Imperyo Romano, ang mga kilalang pamayanang Kristiyano ay itinatag rin sa Armenia, Iran at sa kahabaan ng Baybaying Malabar. Ang bagong relihiyon na Kristiyanismo ay pinakamatagumpay sa mga lugar na urbano at kumalat muna sa mga alipin at mga tao na may mabababang mga katayuan sa lipunan.